Tribya tungkol sa numero 13
Sa loob ng isang taon, mayroon lamang dalawa o tatlong Friday the 13th.
May Friday 13th ang month na ang first day ay Sunday.
Sa tradisyunal na bitayan (sa paraang binibigti ang nagkasala), may 13 steps ang hagdan nito at may 13 twists ang lubid na ipinambibigti.
Walang 13th Avenue sa Sa Francisco, 12th at 14th Avenue lang. Pero may 13th Street, ang pinakamadilim at pinamaruming kalye sa San Francisco.
Iniwasan na ang paggamit ng number 13 simula noong 1976 sa mga kotseng pangkarera sa Formula 1 dahil dalawa nang driver ang namatay sa aksidente habang nagkakarera. Parehong no. 13 ang kanilang kotse.
Ayon kay Dr. Donald Dossey, founder ng Stress Management and Phobia Institute sa North Carolina, mga 80 percent ng matataas na building sa US ay walang 13th floor.
Ang mga sikat na mamamatay-tao na sina Charles Manson, Harold Shipman, Frederick West, Saddam Hussein, Jeffrey Dahmer, John Wayne Gacy, Theodore Bundy, and Jack the Ripper ay 13 letters sa kanilang pangalan.
Isang pamahiin ang nagsasabing para makontra ang masamang dulot ng no. 13 sa isang tao ay pumunta ka sa tuktok ng bundok o tuktok ng mataas na building at pagkatapos ay doon sunugin ang lahat ng medyas mong butas.
Ang teen-age years ay nagsisimula sa 13 at natatapos hanggang 19.
Nabigo ang Apollo 13 na makarating sa buwan dahil sumabog ang oxygen tank nito noong April 13, 1970.
- Latest