‘Acupuncture’
Ang acupuncture ay ang pagtusok ng karayum sa balat sa papamamagitan ng tuyong karayom sa iksak-tong lokasyon na tinatawag na acupuncture point. Ang acupuncture ay ginagawa ng mga propesyunal na mga manggagamot sa mga medical na karamdaman. May iba’t ibang paraan ng acupuncture katulad ng pagpa-padaan ng electric current sa karayum ??(electro Acu-puncture), init (moxibustion) at pagpisil (acupressure).
Acupuncture ay nagsimula sa Tsina mahigit 2000 taon na ang nakalilipas. Ngayon Ito ay ginagawa na sa buong mundo, katulad ng Amerika, Korea, at iba pang panig ng mundo.
Paano ba gumagana ang Acupuncture?
Ang pangunahing konsepto ng acupuncture ayon sa sinaunang teyorya ay pag daloy ng enerhiya na nasa loob ng ating katawan ay pinalalakas upang magkaroon ng balanse at maayos na kalusugan. Ang enerhiya na dumadaloy sa ating katawan ay tinatawag na Qi (chee) na dumadaloy sa 12 pangunahing lagusan sa ating katawan na tinatawag namang “meridian”. Ang mga meridian ay nagrerepresinta ng mga mahahalagang organ at tungkulin nito sa ating katawan bagamat hindi ito dumadaan sa mga eksaktong ugat o sa daluyan ng dugo. Ang mga siyentipiko ay sumubok na ipaliwanag ang aktuwal na epekto ng acupuncture sa katawan ng tao. Ang acupuncture ay nagbibigay ng chemical na nakakawala ng nararamdamang hapdi o sakit na tinatawag na endorphins at serotonin. Ito rin ay nakakatulong na mabawasan ang hapdi dulot ng pamamaga sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pituitary gland na naglalabas ng cortisol, hormone na kilala upang mabawasan ang pamamaga.
Mga sakit na ginagamitan ng acupuncture:
1. Chemotheraphy na nagdudulot ng pagkahilo at pagsusuka.
2. Pamamaga ng litid.
3. Myofacial pain- pabalik-balik o malubhang pananakit.
4. Pananakit ng kalamnan at mga buto.
5. Pananakit ng mga kamay at daliri.
Marami pang ibang sakit na maaaring gamutin ng acupuncture.
- Latest