^

Para Malibang

Pampataas ng quality ng sperm

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Ang paniniwala ng marami, kapag araw-araw na nakikipag-sex, humihina ang kalidad ng sperm. Pero ayon sa isang research, ang araw-araw na pakikipag-sex ay nagpapaganda ng genetic qua­lity ng sperm ng lalaki at makakatulong para makabuo para sa mga lalaking gustong magka-anak. Karaniwang pinapayuhan ang mga nais magkaanak na mag-sex every other day para makarekober ang sperm count ng mga lalaki.

Ngunit ayon sa isang balita sa foxnews, nadiskubre ng mga scientists sa Australia na maaaring bumababa ang fertility ng mga lalaki sa ganitong paraan. Kung sa pag-a-abstain sa sex ng ilang araw ay makakatulong para mapataas ang sperm count, ang sperm quality pati na rin ang quantity na mas mahalaga sa male fertility ay maaapektuhan kung hindi madalas ang ejaculation.

Sa pag-aaral sa Sydney IVF,  center for infertility treatment, natuklasan na ang araw-araw na pakikipag-sex sa loob ng isang lingo ay nakakatulong para mag-improve ang genetic quality ng sperm na hindi masyadong nagpapababa ang sperm counts para maapektuhan ang fertility. Pag-aaralan din ng mga scientists kung naaapektuhan din nito ang pregnancy rates. Ayon kay Dr. David Greening na nanguna sa research, ang mga couples na nagse-sex araw-araw kapag fertile ang babae ay malaking tulong para mabuntis. Kapag ang lalaki ay hindi nag-e-ejaculate, ang mga sperm na nakaimbak sa taas ng testicle ay tumataas, kaya ang madalas na ipinapayo ay mag-sex kada –ikatlo o ikaapat na araw kung nais mabuntis. Ang regular na ejaculation ay umuubos ng laman ng sperm reservoir kaya nagkakaroon ng bagong sperm na mas mataas ang genetic quality.

 

ARAW

AYON

DR. DAVID GREENING

KAPAG

KARANIWANG

PARA

SEX

SPERM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with