50 Fengshui Cures
Last part
35--Magdispley sa Southwest ng glass bowl na may iba’t ibang pirasong crystal quartz para sa magandang kalusugan.
36--Magiging masayahin ang mga bata kung bedroom nila ay nasa West.
37--Huwag maglalagay ng mirror sa Northeast.
38--Alisin ang mga halamang humaharang para maarawan ang isang bahagi ng inyong bahay. Mahalaga ang sinag ng araw.
39--Tanggalin ang kalat sa Southeast. Ito ang nagiging dahilan para hindi kayo daluyan ng pera.
40--Ang sobrang gamit ng kulay pula o maraming ilaw sa South ay nagiging dahilan ng awayan sa pamilya.
41--Ang patuloy na pagdidispley ng sira o basag na bagay sa Southwest ay nagdudulot ng magulong buhay may asawa.
42--Kung ang kusina ay nasa Southwest, nagiging malnourished ang mga taong nakatira rito.
43--Marami ang nagiging pakialamera sa inyong buhay may asawa kung marami kayong mirror sa Southwest.
44--Ganoon din ang epekto kung maraming mirror sa bedroom ng mag-asawa.
45--Ang lantang bulaklak sa flower vase o patay na halamang bulaklak sa Southwest ng bahay o garden ay nagdudulot ng paghina ng kalusugan.
46--Pagkakasakit ang resulta ng pagdidispley ng larawan ng namayapang tao sa Southwest.
47--Huwag ididispley sa Southwest ang swing, water fountain dahil magdudulot ito ng pagkakasakit o paghihirap.
48--Huwag magdispley ng sharp object sa West dahil magdudulot ito ng kaguluhan sa tahanan.
49--Ang malaking bintana sa West ay nagdudulot ng migraines.
50--Ang makalat na loft na nasa Northwest ay nagdudulot ng magulong isipan sa head of the family.
- Latest