Isang milyong pisong kilabot (12)
“P-PAULA… huwag kang lilingon…†Nanlalaki ang mga mata ni Socrates, may nakikita sa likuran ng misis.
Naalarma si Paula. ‘B-bakit? Ano’ng meron, mahal?â€
“Basta huwag kang lilingon, m-merong nananakot…â€
“Oh my God… nagsimula na sila?†Kay Socrates nakatingin si Paula. Ang mister ay namumutla, hindi na makapagsaÂlita, sinakop ng kilabot.
“S-Socrates, mahal, a- ano ang nakikita mo? T-tatakbo b-ba tayo?â€
Umiling ang mister, nakasesenyas pa naman. Huwag daw maingay ang misis. Nanatiling nakatitig ito sa nasa likuran ni Paula.
Si Paula ang hindi mapalagay. Kung anu-ano ang naiisip.
Baka kung ano ang gagawin sa kanya ng kung anumang nasa likuran; baka bigla na lang siyang kakalabitin.
Lakas-loob na biglang lumingon si Paula.
Nakita niya ang nasa likuran. Nanlaki rin ang mga mata niya sa takot.
“Aa…aaa,†tila ungol ni Paula, natutop ang dibdib. “Unnnn.†Parang kandilang naupos, nawalan ng malay. “Paulaaa!†sigaw ni Socrates, nalampasan na ang takot sa nakita.
Dinaluhan agad niya si Paula, pilit ginigising. “Kaya natin ito, gising! Gumising ka!â€
Ang nakita nina Socrates at Paula ay ayaw umalis. Nanatili ito, nag-uusyoso sa kanila.
“Paula, utang na loob…napakaaga pa para ka sumuko. Sayang ang Isang Milyon…â€
Lalo pang lumapit ang nananakot. Nagpapapansin na.
“Unnngg.†Umungol si Paula, nagkakamalay na.
“Get lost, bad ghost! Huwag mo kaming istorbohin!†halos sigaw ni Socrates. “Magbalik ka sa impiyerno!â€
Ang nananakot ay parang napahiya. Halatang nabigo.
Saglit pa’y naglaho na ito, nawala sa dilim.
Natauhan na si Paula. “S-Socrates? B-buhay pa ako?â€
Niyakap ng mister ang magandang misis. “Wala na ang multo, Paula. At oo, buhay ka pa.â€
Naalala ni Paula ang anyo ng taga-kabilang buhay. “My God, Socrates, putol siya…n-napakapangit na putol…†(ITUTULOY)
- Latest