^

Para Malibang

Autism (3)

BODY PAX - Pang-masa

Pag-uugali, mga aktibidad, at mga interes

Ang mga batang autistic ay nagkakaroon ng matatatag na gawi at mga palagiang ginagawa. Maaaring mabalisa nang husto ang iyong anak sa pinakabahagyang pagbabago sa palagiang ginagawa.

Maaaring maging masyadong nakatuon ang iyong anak sa isang paksa tulad ng malaman ang lahat ng tungkol sa mga dinosaur o mga tren. Kadalasan matindi ang kanilang interes sa mga numero, simbolo, o mga paksa sa siyensya.

Maaaring maglakad siya nang nakatingkayad o pitikin o laru-laruin ang kanyang mga daliri nang matagal. Maaaring ulitin niya ang mga kilos tulad ng pag-untog ng kanyang ulo o pag-ugoy. Maaa­ring daglian siyang sumpungin ng mga pagsigaw o sadyang sugatan ang kanyang sarili.

Maaaring magkaproblema ang iyong anak na matutunan ang mga manu-manong gawain at minsan ay sobrang likot. Ang ilang bata ay nagkakaroon ng mga atake

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa pagbabago ng iyong anak sa bawat walang karamdamang pagpapatingin ng bata. Sabihin sa iyong provider ang tungkol sa anumang alalahanin na mayroon ka at anumang pag-uugali na mukhang hindi karaniwan. (Itutuloy)

ITUTULOY

IYONG

KADALASAN

MAAA

MAAARING

PAG

PAPAANO

SABIHIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with