^

Para Malibang

Hindi makalimutan ang ex-gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong OFW at may girlfriend. Noong una ay malimit siyang mag-text at halos hindi ko siya mareplayan ng madalas kasi busy ako sa trabaho. After 4 months napapansin ko na hindi na siya tulad ng dati na malambing kahit sa text lang. Pag tinatawagan ko, hindi sinasagot hanggang sa magtalo kami at nagkapalitan ng masasamang salita. Pero mahal na mahal ko siya. Tapos ay nagkaanak ako sa ibang babae pero hindi pa kami kasal. Ang problema ko ay hindi ako masaya at hinahanap ko pa rin ang ex-gf ko. Simula ng umalis ako hindi na kami nagkita hanggang ngayon. Isa pa, parang hindi ako makaramdam ng tunay na pagmamahal simula noong nagkahiwalay kami ng ex-gf ko. Paano ko malilimutan ang ex ko? Pilitin ko man na mahalin ang kinakasama ko ngayon ay hindi ko talaga magawa. Ang mahal ko lang ay anak ko. - Oca

Dear Oca,

Kailangan mong harapin ang responsibilidad na pinasok mo. Sakaling malaya pa ang ex-gf mo, walang dahilan para hindi mo subukan na dugtungan ang naudlot ninyong relasyon. Pero kung may sarili na siyang pamil­ya, pinamakainam na kalimutan mo na ang lahat tungkol sa kanya at harapin ang kasalukuyang kalagayan mo sa buhay. Magagawa mo ito kung itutuon mo ang iyong atensiyon sa iyong anak o kaya’y sikapin na mahalin ang ina ng iyong anak para lumaking may pamilya ang bata. Abalahin mo rin ang iyong sarili sa iyong trabaho. Isipin mo na lang na marahil ay sadyang hindi kayo para sa isa’t isa ng dati mong nobya.

Sumasaiyo,

Vanezza

ABALAHIN

DEAR OCA

DEAR VANEZZA

ISA

ISIPIN

KAILANGAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with