Alam n’yo ba? Alam
Alam n’yo ba na malaki ang naitutulong ng isang basong tubig para hindi ka maiyak sa paghihiwa ng sibuyas? Wala pa man eksaktong siyentipikong paliwanag hinggil dito, napatunayan pa rin na ito ay epektibo. Kaya kapag maghihiwa ng sibuyas, maglagay sa iyong harapan ng isang basong tubig para hindi maiyak. Ang unang kinilala bilang pinakabatang ina ay si Lina Medina ng Peru noong 1939? Nagluwal siya ng sanggol na lalaki na 6 ½ pound ang bigat. Si Lina ay limang taong gulang at pitong buwan ng ipinanganak niya ang bata. Ipinagtapat lang sa kanyang anak ang katotohanan noong ito ay 10-taong gulang na. Ang pinakamatandang nanay naman na nanganak ay si Satyabhama Mahapatra, na nagsilang ng sanggol nang siya ay 65-anyos na. Matapos ang 50-taong pagsasama ay saka lang sila nagkaanak ng kanyang mister.
- Latest