Panganib ng kagat ng insekto (Last Part)
Filipino – Insect Bites
Ang mga cream na antihistamine ay ginagamit paminsan-minsan, ngunit ang mga ito ay maaaÂring maging sanhi ng alerdying dermatitis. Kung magsimula ang singaw sa balat na pinahiran ng krim, dapat na itigil ito kaagad. Paminsan-minsan makatutulong ang paggamit ng mga sirup na antihistamine na inirekomenda ng pampamilyang doktor kung ang pangangati ay malala at di nagpapatulog ng bata sa gabi.
May panganib ng impeksiyon ng bakterya sa kagat ng insekto kung ang sobrang pagkakamot ay nauwi sa pagtagas o pagkakaroon ng langib sa apektadong bahagi. Maaaring kailanganin ang mga antiseptiko upang maiwasan ang impeksiyon sa kasong iyon.
Karamihan sa mga kagat ng insekto ay napapawi sa loob ng maraming araw. Kung nagpatuloy ang pangangati ng mga marka sa balat, o kung nagkakaroon pa ng maraming marka sa balat, maaaring kailanganing humingi ng karagdagang pagpapayo mula sa isang doktor upang matiyak na ang mga markang ito ay hindi sanhi ng ibang bagay maliban sa mga kagat ng insekto.
Para sa karagdagang impormasyon kontakin ang Inyong Nars para sa Kalusugang Pang-ina at Pambata. Inyong parmasyutiko.
Inyong pampamilyang doktor.
- Latest