^

Para Malibang

Ang Water element at kulay Blue

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Sa Feng Shui, ang kulay blue at black ay simbolo ng water element.

Ang water naman ay sinisimbolo ng wealth o pera. Ang kapartner na direction ng water element ay north.

Sa north corner ng inyong bahay mainam ilagay ang fountain, aquarium, poster ng falls at iba pang water feature upang makamtan ang money luck. Dito rin mainam gumamit ng kulay blue, halimbawa blue curtain o blue paint.

Ngunit masama rin ang sobrang paggamit ng blue. Iwasang gumamit blue paint sa bubong at kisame ng bahay. Nagsasaad ito ng pagkalunod dahil nakatira kayo sa ilalim ng tubig.

Sa kabilang banda, okey  gumamit ng water feature sa East at Southeast.

Ang kapartner na element ng east at southeast ay wood. Hindi ba’t binubuhay ng water ang wood? Therefore, compatible ang dalawang element.

Kaya ang fountain o aquarium sa east at southeast ay magdudulot ng health at wealth luck.

Hindi dapat maglagay ng water feature sa bedroom (anuman ang kayang direction), sa west at northwest dahil ito ay metal area. Di ba’t water ang sanhi ng kalawang sa metal? Iwasan din gumamit ng kulay blue sa bedroom ng mag-asawa.

Kung napapansin ninyong madalas ang pag-aaway ng family members sa loob ng taha­nan o pag-aaway ng mga empleyado sa opisina, ang water ay mabuting “cure” para sa ganitong pangyayari. Kumuha ng glass bowl at lagyan ito ng water. Palutangin sa water ang mabangong bulaklak. Hihithitin ng water ang tensiyon at lilikha ito ng isang “soothing athmosphere”.

 

BLUE

DITO

HIHITHITIN

IWASAN

IWASANG

KAYA

KUMUHA

SA FENG SHUI

WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with