Unang Erection
Natatandaan n’yo pa ba mga kuya kung kailan n’yo unang naramdaman na ‘tumayo’ si ‘manoy.’
Alam n’yo bang kahit sanggol pa lang ay nagkakaroon na ng erection?
Sa unang gising ng mga baby. ang kanilang dugo ay mabilis na dumadaloy dahil wala na sila sa relax state.
Kapag humihinga ng malalim, mas bumibilis ang daloy ng dugo at sabay-sabay din ang pump ng dugo sa buong bahagi ng katawan.
Parang ganito rin ang nangyayari sa mga lalaki pagkagising sa umaga. Sa katunayan, makikita sa ultrasound na may erection ang mga baby sa sinapupunan ng mommy. May ipinapaÂnganak din na naka-erect na. Ang erection na ito ay hindi sexual.
Mapapansin din na nagkakaroon ng erection ang mga baby kapag pinapalitan ng diaper.
- Latest