^

Para Malibang

Petroleum jelly, nakaka-STD?

Pang-masa

Maraming kababaihan ang nagkakaroon ng suliranin pagdating sa sex kapag umaabot na sa edad na 40-anyos pataas. Ito ay dahil sa pagbaba ng lebel ng libido ng babae kaya pati ang fluid sa kanyang vagina ay hindi na rin kagaya noong kabataan niya.  Kaya naman ang ilang mga babae ay gumagamit ng jelly na mabibili sa mga drug stores. Kaya lang ang ibang babae, ang ginagamit ay literal na petroleum jelly kapag sila ay nakikipag-sex. Pero, sa isang pag-aaral na lumabas noong Marso 8, 2014 sa University of California, lumalabas na ang paggamit nito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng vaginosis.

Naghahakot kasi ang jelly na ito ng bacteria papasok  sa iyong katawan. Malaki rin ang posibilidad na kapitan ng sexually transmitted disease at pelvic inflammatory disease sa paggamit nito. Ayon kay Joelle Brown, researcher mula sa University of California, San Francisco,  141 kababaihan sa Los Angeles na umamin na sila ay gumagamit ng mga produkto para sa kanilang vagina gaya ng sexual lubricants, petroleum jelly at baby oil. Ngunit nadiskubre nilang ang mga babaeng gumamit ng petroleum jelly ay doble ang nakuhang bacteria na pumasok sa kanilang katawan.

Nagkakaroon ng bacterial vaginosis  kapag nawawala sa balanse ang good at bad bacteria sa vagina. Malalaman mong ikaw ay mayroon nito kapag mayroong discharge, pangangati o pamamaga ng vagina. Kapag hindi umano naagapan ang bacterial vaginosis, magiging daan ito para magkaroon ng STD.

Bagama’t walang konkretong ebidensiya, kinumpirma naman ni Dr. Sten Vermund, director ng Institute for Global Health, Vanderbilt University School of Medicine sa Nashville, Tenn ang nasabing pag-aaral dahil ang petroleum jelly ay may sangkap aniyang alkaline. Pinayuhan pa ni Vermund ang mga kababaihan na hindi na dapat gumagamit ng kung anu-anong produkto para sa vagina dahil may good bacteria sa katawan ng mga babae na naglalabas ng hydrogen peroxide na natural na naglilinis ng vagina ng babae. (mula sa www.health.com)

 

AYON

BAGAMA

DR. STEN VERMUND

GLOBAL HEALTH

JOELLE BROWN

KAYA

LOS ANGELES

SAN FRANCISCO

UNIVERSITY OF CALIFORNIA

VANDERBILT UNIVERSITY SCHOOL OF MEDICINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with