Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang sikat na pintor na si VinÂcent Van Gogh ay nakasulat ng 800 letters sa buong buhay niya? Kinokonsidera ng mga doctor na si Van Gogh ay may sakit na “Hypergraphia†o sakit na hindi mapigilan ang sarili sa pagsusulat. Ang sakit na ito ay konektado rin sa sakit na temporal lobe epilepsy. Ang sakit na ito ay inborn sa kanya. Apektado ng sakit na ito ang kanyang mental at emotional health. Kaya rin magpinta sa loob ng ilang araw ng hindi kumakain at nagpapahinga at tanging pag-inom lang ng alak ang kanyang ginagawa. Dahil dito, pinainom ng kanyang doctor si Van Gogh ng isang uri ng gamut na kapag nasobrahan ng inom ay maaaring magkaroon ng “xanthopsia†o yun paninilaw ng paningin. Kaya naman paniwala ng marami na kaya mas maraming kulay dilaw sa painting ni Van Gogh ay bunsod ng xanthopsia.
- Latest