Umiwas sa allergy
Napakahirap kapag nakakaranas ng allergy. Lalo na kapag papalit-palit ng panahon. Bigla ka na lang aatakihin ng hindi magandang pakiramdam. Paano nga ba maiiwasang atakihin ka ng allergy?
Narito ang ilang paraan:
Magsuot ng mask – Kung talagang hindi mo maiiwasan ang magtrabaho sa garden at kailangan mong humarap sa mga halaman, lalo na ang mga halamang maraming bulaklak, dapat na magsuot ng mask para hindi mo malanghap ang mga pollen dito na maaaring maging sanhi para atakin ka ng allergy.
Hugasan ang iyong buhok sa gabi – Kung may natitira ka pang lakas sa gabi, subukan mong hugasan ang iyong buhok. Ito ay para maalis ang mga pollen na nasagap mo, lalo na kung naglalagay ka ng mousse fan o gel sa iyong buhok. Ang mga ito ay nagpapanatili ng pollen sa buhok at tiyak na mapupunta ito sa iyong ilong at malalanghap mo na at ang iba pa nga ay maiiwan sa iyong unan.
Maglinis ng katawan sa gabi – Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang seasonal allergy ay mas nagiging aktibo sa maghapon o day time matapos kang dumaan sa isang stressful task gaya ng pagsasalita sa harap ng maraÂming tao o paggawa ng napakaraming trabaho. Kaya naman ipinapayo ni Clifford Bassett, MD, allergist sa New York University Medical Center, na dapat na mag-shower para makalma ang sarili. Tumataas kasi ang hormone cortisol kapag nakakaramdam ng stress kaya humihina ang immune system at aatakin ng allergy.
- Latest