Ghost train (22)
KUNG kailan umamin sa isa’t isa sina Nenita at Vincent na sila ay soulmates, saka naman muÂling nang-abala ang ghost train.
Biglang preno ng sinasakyan nilang taxi dahil walang babalang humarang ang super-bilis na ghost train, ayon sa taxi driver.
Napapalunok sina Vincent at Nenita—hindi nila nakita ang nagmumultong tren.
“W-wala kaming nakita, manong driver,†matapat na sabi ni Nenita. “Natitiyak n’yo po ba?â€
Tumango ang may-edad nang driver, putlang-putla. “Hindi po ako nagbibiro, mam, t-talaga pong kitang-kita ko ang ghost train…â€
Honk-honk-honkk. Pid-pidd. Binubusinahan na sila ng mga kasunod na motorista. Sa gitna kasi tumigil ang taxi.
Pinatakbo naman agad ito ng driver, napapai ling. “Ako lang pala ang nakakita sa ghost train. M-masamang pangitain ito—m-merong mamamatay sa ating tatlo…â€
Nagkatinginan sina Nenita at Vincent. Kinabahan.
“Meron bang may malalang diabetes sa inyong dalawa, mam, sir? O baka po may sakit kayo sa puso, sakit sa lungs, o kaya’y manipis na ugat sa batok?†tarantang tanong ng manong drayber.
“Wala pong maysakit sa amin, manong,†sagot ni Vincent.
“Ako naman po’y malusog, kahit mataba,†pahayag ng taxi driver. “Kapapa-check up ko lang po sa duktor.â€
Tumitindi ang kaba nina Vincent at Nenita.
Hindi nila maunawaan ang nagmumultong tren na this time ay isang tao lang ang nakakita, ang drayber lamang.
“Manong, b-baka po…kayo?†Hindi napigil ni Vincent ang hinala.
Namutla na naman ang taxi driver. “Mam, sir, huwag po naman sana…hindi pa po ako handang mamatay…â€
Bang-bang-bang. Tatlong putok ng baril, ibinuga ng riding in tandem. Nasapol ang may-edad na drayber.
“Eeeee!†Kaylakas ng tili ni Nenita.
(ITUTULOY)
- Latest