^

Para Malibang

Para maging ‘attractive’ kay mommy

Pang-masa

Para sa mga lalaki, paano nga ba magkaroon ng maraming pogi points? Kailangan ba na ikaw ay maging kamukha ni Brad Pitt, George Clooney, Harrison Ford, Richard Gere at Adam Levine? Imposibleng mangyari ito kung ang maging kamukha nila ang hihintayin mo. Kung nais mong tumaas ang iyong pogi points, sundin lang ang sumusunod:

Magkaroon ng bagay na hair cut – Hindi man lahat, ngunit karamihan sa mga babae ay mas gustong malinis ang itsura ng kanilang partner. Bagama’t ang ilan ay dead na dead sa malabalahibong lago ng buhok ng mga lalaki, mas tinatangkilik pa rin ang clean-cut para sa mga lalaki at malinis na mukha, walang balbas o bigote.

Style – Anuman ang uri ng istilong gusto mo, siguraduhin mo na ito ay bagay sa’yo at makikita ang magandang hubog ng iyong katawan. Nais ng mga babae na makita ang kanilang partner na malinis at machong tingnan na tila “effortless” naman.

Tiyaking malinis ang bawat bahagi ng katawan -  Minsan, akala ng mga lalaki ay sila lang ang partikular sa kalinisan sa mga babae. Hindi nila alam, mas partikular ang mga babae lalo na sa kalinisan ng maliliit na bahagi ng katawan gaya ng kuko, tenga at ilong. Kaya kung makikipag-date ka kuya, tiyakin mong malinis lahat ng ito.

Amoy – Kung makikipag-date ka, tiyakin mong mabango ka. Dahil minsan, ang iyong amoy ang hindi nakakalimutan ng babae. Importante din ang pagpili ng pabango sa anumang okasyon, personalidad at siyempre sa amoy ng iyong katawan. Maglagay ng kaunting pabango sa iyong pulso para ito ay maamoy ng babae. Minsan, sa amoy pa lang ay malalaman na kasi kung malinis o hindi ang lalaki sa kanyang katawan.

Maligo  - Wala ng pinakaimportanteng paraan upang maging malinis at mabango kundi ang paliligo. Siguruhing nagsa-shampoo araw-araw, naghihilamos ng mukha, nagsisipilyo at naglalagay ng deodorant.

vuukle comment

ADAM LEVINE

AMOY

BRAD PITT

GEORGE CLOONEY

HARRISON FORD

MALINIS

MINSAN

RICHARD GERE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with