^

Para Malibang

‘Wag paagaw sa tukso

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay isang OFW, may asawa at 2 anak. Duon ay may nakilala akong isang babae pero may asawa rin at mga anak. Nagkaroon kami ng relasyon at lihim na nagtatagpo. Pinagplanuhan namin na sabay na magbakasyon sa Pilipinas at magsama. Pero sa airport ay hindi siya sumipot. Hanggang sa umalis ang eroplano na sasakyan namin ay hindi siya dumating. Mag-isa akong umuwi sa Pilipinas. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko naman ma-contact ang cellphone number niya. Hanggang sa isang sulat ang dumating sa akin mula sa kanya. Tinatapos na niya ang aming ugnayan. Wala rin daw itong kahihinatnan dahil hindi niya maaatim na maging pangalawa lang niyang prayoridad ang kanyang pamilya. Hindi na rin daw siya babalik sa kanyang trabaho. Halos maluha ako sa sama ng loob. Bakit kaya siya nagbago? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya malimutan. - Archie

 

Dear Archie,

Sa halip na sumama ang loob mo sa kanya, pasa­lamatan mo siya dahil tinapos na niya ang maling naumpisahan ninyo. Namulat siya sa katotohanang walang magandang patutunguhan ang inyong relas­yon dahil kapwa kayo may pamilya. Nakita niya na mahal niya ang kanyang asawa’t anak at hindi niya kayang mawala ang mga ito. Malilimutan mo siya kung tutulungan mo ang sariling lumimot. Lagi mong isipin na hindi matutumbasan ng saglit na pagkakakilala ang matagal na panahong pagsasama ninyo ng iyong asawa na nagbu­nga ng 2 supling. Itutok mo ang iyong atensiyon sa kanila para hindi ka maagaw ng tukso.

Sumasaiyo,

Vanezza

BAKIT

DEAR ARCHIE

DEAR VANEZZA

HANGGANG

NIYA

PILIPINAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with