^

Para Malibang

Luha para mawalan ng ‘gana’ si kuya?

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Tip para sa mga Ate: Kung hindi n’yo talaga type makipag-sex. Cry ka na lang para mawalan ng gana si Kuya. Ang luha ay may pheromone na nagpapababa ng testosterone! 

Bagama’t walang amoy ang luha, ang mismong pagsinghot mo kapag umiiyak ay nagpapababa ng testosterone ng mga lalaki gayundin ng kanilang sex drive. Sa isinagawang pag-aaral, hindi made-detect ng mga lalaki ang pagkakaiba ng totoong luha at fake tears (saline) kapag ina­moy nila ito.

Ngunit nang i-test ang kanilang mga laway, nakitang bumababa ang kanilang testosterone levels matapos masinghot ang totoong luha.

May posibilidad din na magbago ang pagtingin ng mga lalaki sa mga babae kapag nakasinghot sila ng totoong luha.

Sa isinagawang MRI scans, nakitang ang pagsinghot ng luha sa panonood ng malungkot na pelikula ay nagde-deactivate ng  neural networks ng ating utak na may kinalaman sa sexual activity.

Breastfeeding bilang birth control!

Hindi kailangang uminom ng birth control pills ng mga Mommy na kapapanganak lamang  kung ayaw nilang masundan agad ang kanilang bagong silang na anak. Pagkatapos manganak ng isang babae, ligtas siya sa panganib na mabuntis uli agad hangga’t siya ay nagbi-breastfeed ng kanyang anak.

Nangyayari ito dahil sa mataas na level ng hormones sa kanyang katawan. Natural na binabago ng pagbi-breastfeed  ang hormones ng  babae para hindi magkaroon ng ovulation. Kung hindi nag-o-ovulate ang babae, hindi siya mabubuntis. Effective ito ng hanggang anim na buwan at mas epektibo sa kahit na mainstream contraception. (Source: omgfacts.com)

vuukle comment

BAGAMA

KUYA

LUHA

NANGYAYARI

NGUNIT

PAGKATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with