^

Para Malibang

Ghost train (8)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NAINTINDIHAN n’yo ba ako, Doc, Mang Tenyong? Gusto ni Dindi na maramdaman ang mga simpleng kaligayahan sa buhay ng isang teenager—bago siya tuluyang mamatay…” napapaluha nang sabi ni Vincent sa kapitbahay na duktor at sa ama ng dalagita.

“Hindi mo kayang pigilin ang pagdating ng ghost train, Vincent, that’s my point,” sabi ng duktor.

“Ako naman, Vincent, sekyu lamang, hindi ko kayang maibigay ang mga nais ni Dindi, gustuhin ko man. Hirap na hirap din ang kalooban ko…” napapaiyak na ring sabi ni Mang Temyong.

Si Dindi ay gising na, nakapagpahinga na nang ilang oras.

“Itay, Kuya Vincent…tagumpay tayo. Hindi ako nakuha ng tren…” Sumungaw sa pinto si Dindi, nakitang nag-uusap sa balkonahe ang ama at ang binatang kaibigan.

“Iisa ang problema namin ni Kuya Vincent mo, anak—nais ka naming ipasyal kung saan-saan, bilhan ng mga nais mo. Magagandang damit, sapatos, handbag, burloloy ng tinedyer…”

“Kaso, pareho kami ng tatay mo, Dindi, kapos sa pera…”

Napaluha si Dindi. “Alam ko naman ho iyon, Itay, Kuya Vincent. Kinukundisyon ko na ang sarili ko—mamamatay akong hindi naranasan ang masayang buhay …”

NABALITAAN  ni Nenita at ng nanay niyang sakitin ang pagmumulto ng ghost train sa Barangay San Ignacio. Naligalig na naman ang mag-ina.

“Nagiging bisyo na ng tren na ‘yon ang pananakot sa bayan natin, Inay…hindi dapat magpatuloy ito.”

“Hindi gawa ng sinumang tao ang nagmumultong tren, Nenita, alam natin ‘yon. Malabong kaya nating lumaban…

“Siguro nga’y siya ang sugo ni Kamatayan…” malungkot na sabi ng ina  “Kahit saan ako magpunta, darating ang tren para ako kunin na…”

EWAN kung sinadya ng langit na magkatabi sa simbahan sina Nenita at Vincent, sa sandaling dinig ang bulong na dasal ng dalaga.

“Lord…gawan N’yo naman po ng paraan na huwag munang kunin si Inay ng ghost train…”

Napatingin sa dalaga si Vincent. Pareho ba sila ng problema ng katabi? (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

                  

 

BARANGAY SAN IGNACIO

BRVBAR

DINDI

INAY

KUYA VINCENT

MANG TEMYONG

NENITA

VINCENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with