Inaakit ng estudyante
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Prof, may asawa at bago pa lang nagtuturo sa isang university. Ang problema ko, isa sa mga estudyante kong babae ay nagpapakita ng motibo sa akin. Maganda siya but I don’t think I like her. Masyado siyang malagkit kung makatitig sa akin at hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagtuturo. Kahit papaano, natitinag din ang pagkalalaki ko at natutuksong patusin ang babaeng ito. Pero, umiiral pa rin ang katinuan ng aking isip. Natatakot din ako na matsismis kami at baka matanggal ako sa trabaho. Until very recently, tumanggap ako ng love note sa kanya categorically saying that she loves me. What will I do to get rid of her na hindi naman siya masasaktan o maiinsulto?
Dear Prof,
Talk to her and tell her frankly na itigil na niya ang pang-aakit sa’yo. Kung minsan, may mga pagkakataon na ang tao’y dapat maging prangka. Sa ganyang sitwasyon, hindi kailangang umiral ang diplomasya. Ipakita mo ang pagka-propesor mo na dapat galangin ng estudyante. Just make the first step at makikita mo na titigil din siya. Mahirap kung magtitimpi ka sa iyong sarili dahil baka habang nagtatagal ang flirtation niya sa iyo ay tuluyan kang bumigay. Panatilihin mo ang iyong katatagan. Marami diyan na kahit hindi pinagpapakitaan ng motibo ng estudyante ay nagsasamantala sa kanila. Inaalok pa yung mga hindi outstanding sa klase na bibigyan ng magandang grade kapalit ng you know what. At hanga ako sa’yo dahil iba ka sa kanila.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest