Aswang Family (72)
“NAPAKABASTOS mo talaga, Adwani! Bakit pati ako ay hinubaran mo? Hindi dapat nakikitaan ang babaing hindi na bata!†gigil na sigaw ni Aling Mameng, nakakober ang mga kamay sa mga dibdib; ang mga tuhod ay pinagdikit para itago ang hiyas ng pagkababae.
Natawa ang bad fairy. “Ha-ha-ha! At least ay inamin mong sa ating dalawa, ako lang ang may karapatang magpakita ng hubad na katawan!â€
“Hindi ako nakikipagkumpetensiya sa tauhan ni Satanas!â€
Nais mapikon ni Adwani.â€Dahan-dahan ka ng pagsasalita, Lola Mameng! Baka gawin kitang ipis! Sige, subukan mong humirit pa!â€
Napalunok si Aling Mameng. Natumbok ni Adwani ang pinaka-hate niyang insekto—ang mga ipis, laluna ‘yung mga lumilipad.
Tumahimik siya, takot na magalit nang tuluyan ang makapangyarihang diwata. Ayaw niyang maÂging ipis.
“Ano ba ang ipinagpuputok ng butse mo, MaÂmeng? Kung kailan naging mabait na ako—naging superhero sa mga lulan ng eroplanong bumagsak sa dagat.
“Isinama ko pa nga sa kabayanihan ang asawa mong matanda, na habang nagliligtas kami ay nanghihingi ng make-up kit. Nagpakabading na kapre ang ulul na si Sotero. Hi-hi-hi.â€
“Saan mo siya dinala, Adwani? Bakit wala pa hanggang ngayon ang mister ko?†Luhaang nagtatanong si Aling Mameng, ‘kandapilipit ang katawan sa pagtatago ng kahubaran.
Napataas-kilay ang bad fairy. “Wala pa si Tandang Sotero? Ngayon ko lang nalaman, Tandang Mameng.â€
Natigilan si Aling Mameng. “I-ibalik mo muna ang damit ko, Adwani, utang na loob…â€
Naging mabait naman ang masamang diwata. Sa isang kumpas ng daliri ay nagkadamit na ang karibal.
Nag-usap ang nagmahal at ang nagmamahal kay Mang Sotero. “Ibig mong sabihin, hindi mo alam kung ano na ang nangyari sa mister ko?â€
“Sakto, Mameng! Nang iwan ko’y kasama siya ng survivors…â€
ANG kapreng baÂding, a.k.a. Mang Sotero, ay nasa tuktok ng isla sa Pacific Ocean, nagmumukmok. “Buburahin na kamwi ni Adwani sa mundo.. Ayokong makitwa ang pagkamatay ng akwing pamilya.†ITUTULOY
- Latest