Buhay ng penis (2)
Base sa mga isinagawang research, nakumpirma na ang kinatatakutan ng mga lalaki na nagbabago ang penis kapag tumatanda na. Nagbabago ang itsura at ang size ng penis, kasabay ng pagbabago ng kanilang sexual performance.
Pagbabago sa itsura - May dalawang malaking pagbabago sa penis kapag nagkakaedad na. Ang ulo ng penis o glans ay unti-unting pumupusyaw ang pagkakulay ube nito. Ito ay bunga ng bumababa o bumabagal na pagdaloy ng dugo. Unti-unti ring nababawasan ang pubic hair.
Ayon kay Irwin Goldstein, MD, director ng sexual medicine sa Alvarado Hospital sa San Diego at editor-in-chief ng The Journal of Sexual Medicine, dahil bumababa na ang testosterone level, nawawala ang mga pubic hair
Pagbabago ng penis - Karaniwang tumataba ang mga lalaki kapag nagkakaedad na. At dahil naiipon ang taba sa lower abdomen, nagbabago rin ang size ng penis. Ayon kay Ira Sharlip, MD, clinical professor ng urology sa University of California, San Francisco, kapag malaki ang prepubic fat pad, kung titingnan ang penile shaft, ay parang maigsi ito.
Ayon naman kay Ronald Tamler, MD, PhD, co-director of the Men’s Health Program sa Mount Sinai Hospital sa New York City, may pagkakataong natatabunan na ng abdominal fat ang penis. (Itutuloy)
- Latest