May ‘Tikas’ pa ba si Kuya? Last Part
Matapos dumating sa karanasan sa lalaki ang karamdamang pagkaparalisa at muling magnanais na makiÂpagtalik sa kanyang kapareha; ngunit mahalaga na mapag-usapan ang pisikal na isyu at ang mga damdamin na kaakibat nito. Kilangan ang maluwag na pagtanggap sa sitwasyon upang maging maayos ang kanilang pagsasama at maiwaksi ang mga negatibong pag-iisip na dulot ng pagkaparalisa.
Maituturing ang isip na isang malawak na taguri sa sekswal na pamumuhay. Ngunit mahirap din tanggapin ang malaking pagbabago sa nakasanayan sa pamumuhay. Ayon sa mga dalubhasa ang kailangan maiwaksi ang damdaming pagkabalisa o pangamba upang mapanatag ang loob at maging maayos ang relasyong sekswal ng mga pasyenteng paralisado at partner nila.
Ligtas na pakikipagtalik. Ang panganib ng sakit na galing sa pagtatalik (STD), ( kabilang dito ang gonorrhea, sipilis, herpes at HIV virus) ay hindi maaaring makapag bago sa sitwasyon ng pagkaparalisa. Gumamit ng kondom na may halong dyel (gel) na pumapatay ng mikrobyo para makaiwas sa ganitong sakit.
- Latest