Kailan gagamitin ang Bagua convex mirror?
May dalawang klase ng Bagua mirror: convex at concave. Ang convex mirror ay ‘yung nakausli o buntis ang salamin. Ang concave mirror ay ‘yung nakalubog ang salamin.
Sitwasyon 1:Ang malaking puno o poste ay nakatapat sa main door.
Epekto: Nagkakasakit at magkakaroon ng legal problems ang nakatira sa bahay.
Solusyon: Magkabit ng Bagua convex mirror sa labas ng bahay (wall na nasa itaas ng main door) para maitaboy ang negative energy na papasok sa bahay.
Sitwasyon 2:Ang bahay ay katapat ng simbahan.
Epekto:Ang mga naninirahan sa bahay ay nagiging mainitin ang ulo at malungkutin.
Solusyon:Maglagay sa labas ng bahay ng convex mirror.
Sitwasyon 3:Nakaharap ang main door sa mismong arko ng gateway/main entrance ng subdivision.
Epekto: Nagiging sakitin ang nakatira sa bahay at hindi niya maibigay nang maayos ang kanyang kakayahan sa trabaho. Solusyon: 1) Ilipat ang main door sa ibang direksiyon or 2) Maglagay ng Bagua convex mirror sa wall ng bahay na nakaharap sa gateway.
Sitwasyon 4 Ang bahay ay nasa tapat ng electricity pylon.
Epekto: Nagiging sakitin ang nakatira sa bahay at nagkakaroon ng minor fire-related accidents. Solusyon: Maglagay ng Bagua conÂvex mirror sa labas ng wall ng bahay.
- Latest