^

Para Malibang

Basta hindi ‘rebound relationship’...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vamezza,

I’m Melie, 38. Marming beses na kaming nag-break at nagkabalikan ng aking ex-bf. Ito ay dahil sa issue ng third party sa kanya. Hindi ko po akalain na darating din pala ako sa punto na magsasawa at mapapagod sa on and off relationship namin. Ngayon po ay nais niyang makipagbalikan, kaya lang tila nawalan na rin ako ng gana at fee­lings para sa kanya, marahil ay mas marami akong naranasang painful moments sa kanya, kaysa ‘yun masasayang oras. Akala ko hindi na ko magkakaroon ng kadalaan sa lalaking ito, pero salamat na lang dahil ngayon ay malayo na ang loob ko sa kanya. Sa ngayon po ay nakikipagbalikan naman ang aking ex-bf noong ako ay college pa.  Tingin ko naman po ay sumaya akong muli ng kami ay madalas ng nagkikita. Tama po ba na sagutin ko na agad siya?

Dear Mellie,

Ang lahat talaga ay mayroong katapusan, ma­ging malungkot man o masaya. Nakakapagod talaga ang mala-roller coaster na relasyon. Mabuti naman na natauhan ka na. Maaring naging manhid na rin ang puso at emosyon mo, kaya natutunan mong lumayo at buksan ang puso sa ibang tunay na magmamahal sa’yo. Kung sa tingin mo ay mahal n’yo ang isa’t isa at seryoso at sasaya ka sa piling niya. Bakit hindi? Kung wala naman anumang hadlang sa inyong magiging relasyon ng iyong ex-college sweetheart. Hindi mo dapat sikilin ang iyong sarili para muling sumaya. Basta tiyakin mo pa rin na ang pakikipagrelasyon mo sa kanya ay hindi isang paghihiganti sa iyong recent ex-bf. Good Luck sa inyong dalawa,

Sumasaiyo,

Vanezza

BAKIT

DEAR MELLIE

DEAR VAMEZZA

GOOD LUCK

MELIE

NAKAKAPAGOD

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with