‘Love Zone Tips’ Last Part
3. Hanapin ang inyong love zones.
Kung lalagyan ng imaginary na octagon shape at ng isang malaking relo ang inyong buong bahay, ang inyong love zone ay ang 1o’clock section. Kaya ang kuwartong malapit sa area na ito ang magiging love zone ng inyong bahay.
4. Bigyan ng atensiyon ang inyong love zones.
Palakasin ang ‘chi sa inyong ‘love zone room’ at sa inyong love zone base sa octagon shape at sa relo. Lagyan ng malalambot na pulang fabrics o mga palamuti ang inyong love zone area na laging magkaparehas. Dalawang pulang kurtina, dalawang pulang unan, dalawang pulang kandila o kahit na anong bagay na maganda sa inyong paningin.
Subukan ding maglagay ng bulaklak, chimes para dumaloy ang Chi. Nagbibigay din ng good energy ang Crystals.
Kung hindi naniniwala sa feng shui, siguro naman ay naniniwala tayong lahat sa malinis at maayos na kapaligiran.
Mas umaakit ng pagmamahalan ang maayos at malinis na bahay lalo na sa inyong bedroom. Mas ‘gaganahan’ kung maayos ang kuwarto lalo na ang kama.
- Latest