‘Love’ o ‘Infatuation’ lang para kay sir...
Dear Vanezza,
Tawagin nyo na lang akong Jeni, isang college student. Nalilito po ako kasi nagkagusto ako sa isa sa mga professor ko. Hindi ko po sinasadyang magkagusto sa kanya, bigla ko na lang po ‘yun naramdaman. Dahil siguro malakas ang appeal niya at palagi akong inaasar. Isang araw kunwari ay humingi ako ng advice sa kanya na paano kung nagkagusto ka sa isang tao. Sasabihin mo ba at ipaparamdam o itatago at ililihim na lang kasi baka kapag nalaman niya lumayo lang siya. Ang sagot po niya sa akin, it’s better daw na sabihin kasi malay ko raw may gusto rin siya. Natuwa ako sa sagot niyang iyon at nabuhayan ng pag-asa. Alam ko po na mali ang magkagusto sa isang gaya n’ya na mas mataas ang level kaysa sa akin. Nahihirapan na po ako sa nararamdaman ko. Ano po ba ang dapat kong gawin lalo na at araw-araw ko siyang nakikita.
Dear Jeni,
Marami kang bagay na dapat usisain sa pagpasok sa isang relasyon. Hindi naman lahat, pero marami ang nagsasamantala sa kanilang posisyon para sa pansariling layunin. Mag-ingat ka baka mabiktima ka ng isang oportunista. Mabuti sana kung pananagutan ka. Ang nararamdaman mo’y pakasuriin mo rin at baka hindi naman talaga love kundi physical attraction o infatuation lamang na normal lang sa mga kabataang tulad mo. Huwag din magmadali dahil bata ka pa naman at marami pang maaaring dumating na opportunity sa’yo at siyempre marami ka pa rin na makikilala habang tumataas din ang level mo sa buhay. Mahirap ang magsisi sa bandang huli baka sabihin mo na “saÂyang, bakit ako nagmadaliâ€.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest