ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na “lunula†ang tawag sa semi-circle o hugis arko sa kuko ng tao? Nasa lunula din ang keratin. Ang kuko ay nakadikit sa balat at ang balat na ito ay nagtataglay ng elastic fibers na humahawak sa kuko. Humahaba ang kuko ng dalawang pulgada sa loob ng isang taon. Bagama’t naisasama sa fashion statement ang pagpapaganda ng kuko, nagagamit din ito sa medisina. Ang normal na kulay ng lunula ay puti, ibig sabihin nito ay mayroon kang malusog na pangangatawan. Ngunit kapag ito ay nagkulay asul o di kaya ay mabilis maputol, indikasyon ito na mayroong kang problema sa pagdaloy ng iyong dugo, impeksiyon o ikaw ay stress. Kung mabilis naman bumaluktot ang iyong kuko, maaaring may problema ka sa iyong atay at baga.
- Latest