^

Para Malibang

Niloloko ng boyfriend

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Rosy. Mahigit 3 years na rin po ang long distance relationship namin ng bf ko. Nagkakilala po kami tru text. Apat na beses pa lang po kaming nagkita tuwing uuwi siya dahil sa Manila sila nakatira samantalang ako ay nandito sa probinsiya. Super close na po kami ng kanyang pamilya lalung-lalo na ang kanyang kapatid kahit na hindi pa po kami nagkikita. Marami na rin po kaming napagdaanang problema dahil sa nadiskubre kong pambababae niya noon at sa ngayon po ay naguguluhan ako sa aming sitwasyon kung ipagpapatuloy pa po ba ang aming relasyon o puputulin na dahil sa malayo kami sa isa’t isa at hindi ko po namamalayan ang kanyang mga ginagawa at paminsan-minsan na lang siya kumokontak sa akin. Mahal na mahal ko po siya. Ano po ba ang dapat kong gawin. Nanghihinayang ako sa tagal ng aming relasyon at tapat po ako sa kanya.

Dear Rosy,

Tapat ka sa kanya, pero siya ay hindi. Sa 3 years ninyong mag-on ay apat na beses pa lang kayo nagkita kaya hindi pa lubos ang inyong pagkakakilala. Mahirap kilatisin ang kanyang tunay na pagkatao sa pamamagitan lang ng text. Mahirap din para sa lalaki ang manatiling tapat lalo’t magkalayo kayo. Mahalaga sa relasyon ang faithfulness ng bawat isa. Kung mag-on pa lang kayo ay hindi mo na siya mapagkatiwalaan, paano kung makasal kayo at magkaroon ng pamilya. Kung sa palagay mo’y liligaya ka sa piling niya, go ahead with the long distance relationship. Pero kung concern ka sa isang magandang future, mag-isip-isip ka muna.    Maging matalino at huwag la­ging puso ang pairalin.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

APAT

DEAR ROSY

DEAR VANEZZA

LANG

MAHALAGA

MAHIGIT

MAHIRAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with