Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano ka magiging masaya ngayong parating na ang Valentine’s Day kahit pa ikaw ay nag-iisa at walang ka-Valentino. Narito pa ang ilan:
Magpaganda – Wala ng iba pang epektibong paraan upang maramdaman mong ikaw ay maganda kundi sa pamamagitan ng pagpapaganda sa iyong sarili. Maaari kang magpunta sa parlor para magpa-rebond o magpakulot? Magpa-facial para sa mas makinis at fresh na mukha. Sa ganitong paraan, hindi lang pagiÂging maganda ang iyong mararamdaman kundi pagiging mayaman din.
Magkaroon ng “celebrity smile†– Batay sa pag-aaral, ang mga taong mahilig ngumiti ay mas maganda kumpara sa mga taong madalang ngumiti. Kaya lang minsan, nako–conscious kang maging smiling face dahil hindi naman kaputian o kagandahan ang iyong mga ngipin. Pwes, may solusyon dyan. Kung ang iyong ngipin ay medyo dilaw na, na siya namang normal, dahil kapag nagkakaedad na ang tao ay medyo dumidilaw ang ngipin, dapat ay gumamit ng lipstick na kulay red at pink. Sa ganitong kulay ay mas magiging maputi tingnan ang iyong mga ngipin.
Magpasarap – Kung wala ka naman schedule na ka-date kahit pa sa iyong mga kaibigan, mas mabuting magpunta sa spa at magpa-body scrub, magpa-hair treatment o mag-milk bath. Dahil dito, mararamdaman mong ikaw ay maganda at “hot†kumpara sa iba.