Ang iyong dugo (16)
MGA PANGGAGAMOT
Ang lukemya at ibang kaugnay na sakit ay hindi palaging nangangailangan ng gamot, lalo na sa mga matatanda na. Ang iba ay maaaring gamutin, kung minsan sa pamamagitan ng opeÂrasyon, radyoterapeutika, kemoterapeutika o isang kombinasyon.
Sa paggamot ng malubhang lukemya, kadalasan ang kailangan lamang ay ang patuloy na mababang doses ng mga tableta, o kurso ng mga tableta, o pahintu-hintong iniksiyon upang mapaÂnatiling mataas ang bilang ng selula ng puting dugo. Kadalasan, ang mga pasyente ng malubhang lukemya ay may mahabang panahon na hindi kailangan ang paggagamot. Ang malubhang lukemya ay halos palaging kailangan ng gamot na binubuo ng kombinasyon ng mga gamot laban sa kanser na tinatawag na therapeutic combination.
Hangad ng paggamot na alisin ang karamihan sa mga abnormal na selula at hayaan ang mga normal na selula na dumaming muli sa bone marrow induction therapy. Kung nagagawa ng chemotheraphy na parang normal ang panlabas na anyo ng pasyente at ito ay nakakaramdam ng ginhawa, ito ay masasabing nasa kumpletong remisyon. Mahalagang unawain na ang kumpletong remisyon ay hindi magsasabing ang lahat ng lukemya ay naalis na. Maraming mga pananaliksik ang ginawa na nakatuon sa paggawa ng mas mabuting paraan sa paghahanap ng mga maliliit na residwal na selula ng lukemya sa utak ng buto. Ang Consolidation therapy ay ibinibigay kung ang sakit ay hindi na nakikita matapos ang induction theraphy ngunit alam na naroroon pa rin. Paulit-ulit na chemotheraphy ng mahinang doses ang patuloy na ibibigay sa pasyente upang bawasan pa ang abnormal na mga selula.
- Latest