^

Para Malibang

Takot sa ‘sumpa’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang ako sa alyas Mitch, isang misis at may isang anak. Matagal na pong hiwalay ang a­king mga magulang pero lagi kong iniisip kung bakit sila naghiwalay. Walang umaamin sa pagkakamali nila. Sabi ng tatay ko, nanay ko ang mali. Sabi naman ng nanay ko, tatay ang nagluko. Ang hirap lang po sa mga magulang na naghiwalay, hindi nila naisip na hindi sila ang naaapektuhan kundi ang mga anak nila. Nangangamba ako na baka mangyari rin sa akin ang nangyari sa mga magulang ko lalo’t marami kaming kamag-anak ang hiwalay din sa asawa. Sa ngayon po ay maayos ang pamumuhay namin ng mahal kong asawa. Ano po ba ang pwede kong gawin para wag kaming matulad sa kanila? Hindi kaya may sumpa sa angkan namin?

Dear Mitch,

Walang pag-aasawang perpekto. Marriage is a union of two imperfect persons pero dahil sa pag-ibig, nananatiling matatag dahil pinupunuan ang kakulangan ng bawat isa. Habang naririyan ang pag-ibig at katapatan sa isa’t isa, walang mag-asawa ang maghihiwalay. Naniniwala akong hindi ka mahahanay sa mga pamilyang nawasak. Dahil ikaw mismo ang nagdarasal na huwag itong mangyari sa’yo. Mabuti na lang at may wasto kang pag-iisip para huwag pamarisan ang nangyari sa iyong sariling mga magulang. Ituloy ninyong mag-asawa ang magandang samahan at natitiyak kong hindi magtatagumpay anumang “sumpa”, kung meron man.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

DAHIL

DEAR MITCH

DEAR VANEZZA

HABANG

ITAGO

SABI

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with