Kinokonsensiya sa pagkamatay ng gf
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Toti. May dinadala akong mabigat sa aking konsensiya na gusto kong ibahagi para kahit paano’y gumaan ang aking dibdib at magsilbi na ring aral sa mga kabataang mapupusok pagdating sa pag-ibig.
Ako po’y 23 yrs. old na ngayon. Nung ako’y 17 yrs. old, nag-girlfriend ako. Bata siya ng dalawang taon sa akin. Nabuntis ko po siya. Sa takot namin, naghanap ako ng isang abortionist at dinala ko siya doon. Inilaglag ang sanggol pero matapos ang dalawang linggo, nilagnat ang gf ko. Hindi ito gumaling hanggang sa siya’y namatay. Mahirap lang sila kaya hindi naipadoktor. Naging lihim po ang dahilan ng kamatayan niya na walang nakakaalam kundi ako. Anim na taon na ang nakalilipas pero dala-dala ko pa rin ang sumbat ng budhi.
Dear Toti,
Totoong maraming teenager ang masyadong mapusok. Hindi na nakakakilala ng mali pagdaÂting sa pag-ibig. Nalilimutan nila na ang pagsisisi ay laging nasa huli. Humingi ka ng tawad sa Dios at mangakong hindi na uulit para kahit paano’y gumaan ang iyong dinadala sa dibdib. Nawa’y kapulutan ng aral ng mga kabataan ang kuwento mo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest