Nais ipahiwatig ng iyong mata...
Ang sabi ng marami, “eyes is the mirror of your soulâ€, tama naman ang kasabihang ito dahil talaga naman na sa mata ng tao makikita ang ang kanyang kalooban. Ang mata ang tanging bahagi ng tao na maaaÂring makita ang mga ugat nito at ang retina na hindi na kinakailangan pa ng operasyon. Pero, dahil sa mahalanga bahagi ito ng ating katawan, kinakailangan itong pag-ingatan. Kaya kung mapapansin mong may kakaiba sa iyong mata dapat mo agad itong ipasuri sa doctor. May ilang sakit din na sa mata pa lang ay maaari mo ng malaman. Narito ang ilan:
Kapag nakakalbo ang kilay – Bagama’t uso ang pag-aahit ng kilay, hindi pa rin normal kung mapapansin mong kusa itong nauubos o nalalagas. Indikasyon ito na nagkakaroon ka ng “hyperthyroidismâ€, o pagkakaroon ng abnormalidad sa kanyang thyroid gland. Ang thyroid gland ang siyang nagpapanormal ng takbo ng metabolismo ng tao at ang thyroid hormones naman ang responsible sa produksiyon ng ating buhok. Sintomas nito ang unti-unting pagkalugas at pamumuti ng kilay at buhok sa ulo. Madalas na umaatake ang sakit na ito sa mga kababaihan na nasa edad 20’s – 30’s.
Kulay dilaw sa iyong “eyelid†- Kung mapapansin mong mayroong bilog na tila patches sa iyong eyelid, indikasyon ito na mataas ang cholesterol sa iyong katawan. Tinatawag itong “Xanthelasma palpebraâ€.
Namumulang mata – Minsan kaya namumula ang iyong mga mata ay dahil sa pagiging “workaholic†ng tao at tinatawag itong “computer vision syndromeâ€. Dahil sa sobrang pagkakatitig sa computer ay lumiliit ang abilidad ng mata na magkaroon ng luha para manatili ang sigla nito. Ito ang dahilan kung bakit lumalabo ang iyong paningin at hindi nagiging komportable ang iyong paningin. Kapag ganito ang sitwasyon dapat kang magsuot ng proteksiyon sa iyong mata gaya ng shades o di kaya ay hinaan ang ilaw ng computer.
Pamumula ng eyelid – Ang pamumula naman ng eyelid ay indikasyon na mayroong malubhang scalp dandruff at acne. Ito ang dahilan ng pamumula ng balat sa mukha. Maging ang mata ay naiirita sa ganitong uri ng sakit. Maaaring magluha, mamula at ma-dry ang iyong mata. Kakikitaan din ng pamamalat sa bahagi ng iyong pilik-mata.
- Latest