Ang iyong dugo (9)
Ang Chronic leukaemia ay nakikita kung ang lukemya ay nakakaapekto sa ‘magulang na’ na mga selula. Kalimitan, ganito ang normal nilang gawain, at anemya, pagdudugo at impeksiyon ay hindi halos nangyayari. Ang mga pasyenteng ito ay hindi palagiang nangangailangan ng dagliang panggagamot at ang ilan ay maaaring hindi mangailangan kailanman ng panggagamot. 
Ang mga lukemya ay maaaring miyeloyd o limpoyd. 
Kung naaapektuhan ng lukemÂya ang mga selula sa huli ay magkakaroon ng mga pleytlet, mga pulang selula ng dugo, mga granulosites at monosites, tinatawag itong miyeloyd (myeloid), miyelositik (myelocytic), miyelodyenos (myelogenous), o granulositik (granulocytic) na lukemya. 
Kung naapektuhan ng lukemya ang mga selula na nakahandang maging limosites, tinatawag itong limpoblastik (lymphoblastic), limpoyd (lymphoid), limpositik (lymphocytic), o limpatik (lymphatic) na lukemya. 

Acute lymphoblastic leukaemia – ALL. Tinatawag din na acute lymphocytic o acute lymphatic leukaemia). Ang uring ito ng lukemya ay siyang pangkaraniwan sa mga lukemya sa pambata, ngunit nakikita rin ito sa mga matatanda. 
Ang abnormal na mga selula (ALL) ay mga murang limposites – na mga puting selula ng dugo ng uring limpoyd kaya tinatawag itong mga limpoblast (lymphoblasts).
Ang ginagawa ng limposites ay protektahan ang katawan laban sa impeksiyon. Kung ang bone marrow ay apektado ng ALL, ang paggawa ng panlaban na mga selula ay nababawasan, at ang maselang impeksiyon ay maaaring mangyari. At saka, maaaring siksikin at paalisin ng lukemya ang mga pleytlet at pulang dugo na gumagawa ng selula.
Gamot: Ang uring ito ng lukemya ay kadalasan maaaring epektibong gamutin sa pamamagitan ng pinagsamang chemotheraphy.
- Latest