Concern sa kaibigan
Dear Vanezza,
May kapitbahay po ako na kasamahan ko sa trabaho pero sa ibang department kami. Nabalitaan ko po since last year na may bf po siya. Pareho silang may asawa at mga anak nun lalaki. Madalas kong makita na pumupunta iyong guy sa bahay nila. Magkaibigan pa kami noon kaya kinompronta ko siya pero itinanggi nya. Hindi ko ‘yup sinabi sa kanyang asawa hanggang ngayon. After that confrontation, nagpasya po ako na hindi na ako manghimasok at hindi na niya ako pinapansin after the incident. Pero nakita ko uli yung guy sa bahay niya habang mag-isa siya. I don’t want to make pakialam and my husband told me to leave them alone pero nababagabag po ang aking damdamin. I don’t want to be noisy but I dont know what to do. I pity her husband na mabait naman at nagpapakahirap sa abroad. Need your advice. - Friendly Neighborhood
Dear Friendly Neighborhood,
Sapat nang napagsabihan mo ang iyong kaibigan sa mali niyang ginaÂgawa. Kung ayaw niyang ituwid ang kanyang landas matapos ito, pananagutan na niya ito. Ipag-pray mo na lang siya na sana’y matauhan at magsisi. Kung magsusumbong ka sa kanyang asawa, ikaw pa tiyak ang lalabas na kontrabida at tsismosa kahit ang gagawin mo ay bunsod ng pagmamalasakit sa kaibigan. Baka lumabas pang sinisiraan mo siya. Pero tama ang ginawa mong pagsita sa kanya dahil ipinakita mo ang iyong kung malasakit bilang kaibigan.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest