^

Para Malibang

Walang seguridad sa relasyon

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong gay. Marami na po akong karanasan sa pag-ibig. Pero nang dumating sa buhay ko si Jojo, ay doon ko naramdaman ang tunay na kaligayahan. Nagmahalan kami kahit alam kong hindi magiging ganap ang lahat dahil hindi naman ako tunay na babae. May asawa rin siya pero nagkahiwalay sila dahil sumama sa ibang lalaki ang misis niya. Mistula kaming mag-asawa at nangakong mananatili sa piling ng bawat isa sa hirap at ginhawa. Sana panghabambuhay na ito. Ngunit minsan naiisip ko rin, paano kung mawala siya sa akin?  - Jaja

Dear Jaja,

Tama ka sa pagsasabing puwedeng dumating ang panahong matatapos ang lahat. Alalahanin mo na ang ka-partner mo ay lalaki pa rin at hindi mawawala ang posibilidad na umibig siya sa tunay na babae sa takdang araw. Kung mangyari ito, ihanda mo ang iyong sarili at harapin ang katotohanan. Bagaman may kalayaan tayong gawin ang gusto natin, pero sa bawat desisyon natin, palaging may kaakibat na consequence na dapat nating tanggapin ano man ito.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ALALAHANIN

BAGAMAN

DEAR JAJA

DEAR VANEZZA

ISA

JAJA

JOJO

MARAMI

MISTULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with