^

Para Malibang

Para maging ‘matalas’

Ms. Jewel - Pang-masa

Dahil sa katatapos na “long vacation”, maraming tao ang tinatamad pa rin na magtrabaho. Bunsod nito, maging ang pag-iisip para maging produktibo ay napakahirap gawin. Paano mo nga ba maibabalik ang iyong utak para maging produktibo? Narito ang ilang paraan:

Maging masaya – Ang pagkakaroon ng magandang memorya at matalas na kaisipan ay mahirap mapunta sa isang taong depressed. Ayon sa isang pag-aaral sa Brigham Young University, mas mahirap makapag-isip ng mabuti at magkaroon ng maayos na desisyon ang taong may depresyon kaya ang resulta, walang magandang produksiyon sa kanyang trabaho ang isang taong malungkot, kaya tandaan, bawal ang sad, dapat “Happy”.

Kumain ng prutas at gulay – Sa pag-aaral ng mga taga Harvard University, natuklasan na ang mga babaeng madalas kumain ng blueberries at strawberries ay mas mabagal ang mental decline o pagiging makakalimutin kumpara sa mga babaeng hindi kumakain nito. Maging ang pagkain ng maberde at dahong gulay ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng matalas na memorya. Sa ganitong paraan ay mas mapapadali sa utak mo ang magtrabaho.

Mag-aral ng mga bagong bagay – Maraming nagsasabi na para mapanatiling gumagana at matalas ang iyong isip ay sa pamamagitan ng pagbabasa o pagsagot sa mga crossword puzzles, pero bukod dito, mas nagbibigay ng sigla sa utak ang pag-aaral ng bagong bagay  na maaari mong pagkaabalahan. Puwedeng mag-aral ng pagluluto, cross stitch at iba pang bagay na magiging abala ang iyong isip bukod sa posible pang pagkunan ng extra income.

AYON

BRIGHAM YOUNG UNIVERSITY

BUNSOD

HARVARD UNIVERSITY

KUMAIN

MARAMING

NARITO

PAANO

PUWEDENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with