^

Para Malibang

Ahas na kaibigan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y nahatulan sa kasong bigong pagpatay. Napagkaitan po ako ng hustisya dahil sa kawalan ng salapi na pangdepensa sa kaso. Solong anak lang ako at single mother ang aking ina. Dahil sa pagkakakulong ko ay nawalay ako sa kanya. Ang masakit, pati nobya ko nawala rin sa akin. Hindi ko po matanggap ang nabalitaan ko na ang napangasawa ng gf ko ay ang kaibigan ko na siyang may kagagawan ng kaso na ibinintang sakin. Sa paniniwalang isa siyang mabuting kaibigan, hindi ko siya itinuro dahil ang alam ko hindi niya ako pababayaan. Pero ang iginanti niya sa akin ay inahas niya ang nobya ko. Walang bahid ng pag-aalinlangan ang pagtitiwala ko sa kanya na hindi niya ako tatalikuran sa oras ng kagipitan. Nasayang lang ang tiwalang ‘yon. - Maki

Dear Maki,

Talagang mahirap panghawakan ang pangako. Mahirap ding humanap ng tunay na kaibigan na hindi ka tataluhin at ipapahamak. Kaya marahil ipinahamak ka ng iyong kaibigan ay para agawin ang nobya mo. Sinagot mo pa ang kanyang kasalanan. Iisa lang ang mukha nilang dalawa ng nobya mo. Para sa katahimikan ng iyong iyong isip, patawarin mo na lang sila at idalangin na sana maliwanagan din ang kasong kinasasangkutan mo para lumabas ang totoo. Ito ay kung ipupursige mong pabuksan uli ang kaso at makakuha ka ng isang testigo na tatayo para sa pagiging inosente mo. Ituloy mo ang iyong pagpapakabuti at pagbabagong buhay. Sa iyong paglaya nawa’y matuto ka nang humanap ng totoong kaibigan at matapat na nobya.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DAHIL

DEAR MAKI

DEAR VANEZZA

IISA

ITULOY

KAYA

MAHIRAP

NAPAGKAITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with