‘Butas na lupa’ (32)
HABANG nagpa-panic si Monica, na siya’y tuluyan nang papatayin ng mga taga-ibang planeta –patutuyuin at ididispley—nakita niyang nahuli na ng mga kawal ang walong duplikadong ‘Monica’.
Buhat-buhat ng mga creatures ang mga ‘Monica’ na hubo’t hubad, pabukabukakang nagpipiglas.
Sagwang-sagwa na naman si Monica. Ang maseselang bahagi ng kanyang mga duplikado o clones ay kita lahat.
Kung hindi nga lang ba hindi mga tunay na tao ang mga ‘Monica’, siguro’y tumutol na naman si Monica.
Akalain ba niyang pati ang maseselang bahagi ng kanyang katauhan bilang babae ay naduplika!
Baka nga kung mapupunta sa ibabaw ng butas na lupa ang mga ito, magbubuntis din ang mga ito ng tunay na tao!
Walang katapusan na yata ang panggigilalas ni Monica. Kung hindi lang siya naparalisa at naging estatwang buhay, nagawa na niyang makatakas—makabalik sa mundo ng mga tao.
“Good Lord, tulungan Mo na po akong makagalaw uli, alisin Mo po ang pagka-estatwa ko. Tulungan Mo po akong makatakas….
“Sino pa po ba ang Iyong tutulungan, Lord, kundi ang tulad kong tao? We were made according to your likeness; kami raw pon g tao ay itinulad sa Iyong kaanyuan, Lord; hindi po Kayo tulad ng mga nilikhang mukhang susong Hapon…â€
Nakatulugan na ni Monica ang pananalangin. Nanatili siyang estatwang buhay, hindi makagalaw sa puwesto.
SA IBABAW ng butas na lupa, nawawalan na ng pag-asa si Jake, ang boyfriend ni Monica.
“Tatlong linggo nang nasa ilalim ng butas na lupa si Monica… Oh God…†Ang kamatayan ni Monica ay bangungot na gumigiit sa diwa ni Jake. “Sino ang mabubuhay sa butas na wala yatang katapusan?â€
Ang tatlong linggong paghihintay ni Jake ay katumbas lang ng isang magdamag kay Monica, sa ilalim ng butas.
Gising na si Monica, matapos makatulog ng ilang oras. Estatwa pa rin siya, buhay pa rin ang isip at kamalayan.
Natanaw niyang pasakay sa kotseng lumilipad ang mga duplikado niyang ‘Monica’, mga nakaÂdamit nang sosyal. (ITUTULOY)
- Latest