Iwas ‘stroke’ Last Part
Ang layunin sa pagpapagaling ay upang pagbutihin ang kilos ng isang biktima ng stroke at matutong umasa sa sarili. Ito ay kinakailangan gawin sa paraan na maaÂlagaan ang dignidad ng pasyente habang tinutulungan siyang matutunan ang mga pangunahing kakayahan na naapektuhan ng stroke, tulad ng pagsuporta sa sarili sa pagkain, pagdadamit, paglalakad, at iba pa.
Bagaman ang stroke ay karamdamang dala ng karamdaman ng utak, naaapektuhan nito ang buong katawan. Ilan sa mga kapansanang dulot ng stroke ay pagkaparalisa, kakulangan sa pang-unawa, hirap sa pananalita, problema sa emosyon, problema sa pang-araw-araw na pamumuhay, at kirot.
Ang stroke ay maaari ring makapagdulot ng problema sa pag-iisip, kamalayan, atensyon, kaalaman, panghuhusga at alaala o memorya. Maaaring hindi namamalayan ng isang pasyente ng stroke ang nangyayari sa kanyang kapaligiran, o hindi mamalayan ang mga metal na pagkukulang na maidudulot nito.
Madalas na nagkakaÂroon ng problema sa pang-unawa o sa pagbuo ng salita ang mga bikÂtima ng stroke. Ito ang karaniwang resulta kung ang temporal at parietal na liha sa kaliwang panig ng utak ang napinsala.
Maaaring humantong sa problemang emosyon ang stroke. Nahihirapang pigilan ng isang biktima ng stroke ang kanyang emosyon o maaari rin magpahiwatig ng maÂling emosyon sa ilang sitwasyon. Isang karaniwang kapansanan na nangyayari sa maraming biktima ng stroke ay ang depresyon - ito ay higit pa sa karaniwang kalungkutang sanhi ng stroke.
Maaaring makaranas ng kirot ang mga biktima ng stroke, di maginhawang pamamanhid, o kakaibang pakiramdam pagkatapos ng atake. Ang mga pakiramdam na ito ay karaniwang dulot ng maraming bagay tulad ng pinsala sa mga ng utak na pinagmumulan ng sensasyon, pagtigas ng mga kasu-kasuan, o napinsalang bisig o paa.
- Latest