ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na ang pag-inom ng juice ay hindi nakatutulong sa iyong ngipin? Ito ay dahil ang juice ay may sangkap na asukal. Kung hindi ka agad makakapagmumog ng bibig ay mananatili ang asukal na ito sa iyong ngipin na siyang magdadala ng cavities sa iyong ngipin. Ang paggamit ng toothpaste na may sangkap na panlaban sa tartar ay maaaring magdulot ng mantsa sa kutis ng iyong mukha, kaya mahalagang pagkatapos magsipilyo ay maghilamos mabuti ng iyong mukha. Sa AmeriÂca, nakakabenta ang mga manufacturers ng dental floss ng halos 3 million miles nito noong 1996. Ang unang toothbrush ay inimbento ni William Addis ng Clerkenwald, England habang naitala naman ang pinakalumang toothbrush sa Chinese literature noong 1600 AD. Ayon sa Consumer Reports, kasama ang dentist sa limang propesyon na pinagkakatiwalaan sa United States.
- Latest