^

Para Malibang

Hiniwalayan dahil sa selos

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Victor, may asawa at anak. Ako po’y isang OFW. Noong unang uwi ko ay nagkaproblema kaming mag-asawa. Nagselos po kasi ako matapos makita ang maraming numerong tumatawag sa kanyang cellphone. Itinanggi naman niyang may kinalolokohan siyang lalaki. Sumama ang loob ko at naglasing ako sa isang beerhouse. Sa kalasingan, nakipagtalik ako sa isang GRO at hinatid pa ako nung babae sa bahay namin. Nakaabang pala ang misis ko sa labas ng bahay namin. Nag-away kami at hindi niya ako tinigilan sa katatanong kung may nangyari ba sa amin nung babae. Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Sinabi ko rin na hindi na mauulit at pinagsisisihan ko na ang lahat. Bago ako bumalik sa abroad ay humingi ako ng tawad pati sa kanyang magulang at mga kapatid. Pero hindi pa rin niya ako pinapatawad. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko. Wala akong masamang hangad sa aking pamilya. Nadala lang ako ng maling hinala. Sana po mapayuhan ninyo ako kung ano ang gagawin ko.

Dear Victor,

Hinusgahan mo ng husto ang misis mo, pero ikaw pala ang nagtaksil. Pero nangyari na yan at sana’y naging aral sa iyo ang iyong karanasan. Huwag kang magsawa sa panunuyo sa misis mo. Ligawan mo siyang muli kung kinakailangan para makuha ang kanyang tiwala. Padalhan mo ng bulaklak o tsokolate as if binata kang nanliligaw sa isang dalaga. Kaunting tiyaga dahil ikaw ang naging dahilan ng problema. Wika nga ng kasabihan, walang sugat na hindi naghihilom pagdating ng araw. Manalangin ka na manumbalik muli ang masaya ninyong pagsasama.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

AKO

DEAR VANEZZA

DEAR VICTOR

HINUSGAHAN

HUWAG

ITINANGGI

KAUNTING

LIGAWAN

PERO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with