^

Para Malibang

Gustong ipakasal sa iba...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong “Yoli”. Ikakasal ako next year sa lalaking hindi ko naman mahal. May nobyo ako at niyayaya akong magtanan kami para maiwasan ko ang pagpapakasal sa lalaking tatay ko lang ang may gusto. Hindi kami kailanman nag-ibigan ng lalaking ito. Kahit siya ay napipilitan lang dahil parehong istrikto ang aming mga magulang. Ipinagkasundo lang kami dahil matalik daw na magkaibigan ang tatay ko at tatay niya. Ano ang dapat naming gawin ng bf ko?

Dear Yoli,

Ang papel ng magulang ay magbigay ng payo at hindi manghimasok sa kaligayahan ng anak. Kung mapilit ang mga magulang ninyo at hindi makuha sa pakiusapan, may laya kayong mag-bf na gawin ang sa tingin ninyo’y nararapat. Iyan ay kung hindi kayo menor-de-edad. Pero bigyan pa ninyo ng isang pagkakataon para makumbinsi sila. Tutal, pareho kayo ng lalaking ikakasal sa iyo na walang gusto sa isa’t isa. Ipaunawa ninyo na kaligayahan ninyo ang nakataya at anumang maling desisyon ay baka habambuhay ninyong pagsisihan. Maaari niyo rin sabihin sa inyong mga magulang na hindi na kayo dapat panghimasukan lalo pa at pagpapamilya ang nakasalalay sa inyo. Kung hindi makuha sa pakiusap, magdesisyon na kayo ng bf mo. Kaya lang ihanda ninyo ang inyong mga sarili sa anumang “consequence” ng inyong desisyon. Minsan kasi, mahirap suwayin ang mga magulang lalo na kung sila ay nakakumpromiso na. Ngunit huwag mawalan ng pag-asa at manalangin muna bago sila kausapin.

ANO

DEAR VANEZZA

DEAR YOLI

IKAKASAL

IPAUNAWA

IPINAGKASUNDO

IYAN

KAHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with