Nagdadalawang-isip kung babalikan si misis
Dear Vanezza,
Nais ko pong hingan ng payo ang sitwasyon namin ng aking asawa. Natuklasan ko po kasi na may iba siyang lalaki. Pero sa kabila nito ay tinanggap ko pa rin siya nang humingi ng tawad at pilit na binuo ang aming pamilya para sa aming baby. Pero paulit-ulit po niyang binabalikan ang panlalalaki at nananawa na po ako. Nakipaghiwalay ako sa kanya pero nakikipagbalikan na naman. Nasa akin po ang aming baby at hindi ko ito ipinagkakait sa kanya. Pagpayuhan po ninyo ako sa kung ano ang mas marapat kong gawin? - Berting
Dear Berting,
Kung hindi makabubuti para sa inyong anak at sa iyo, ‘wag mo na lang siyang balikan dahil baka maging sakit lang s’ya ng ulo mo. Habang paulit-ulit mo siyang pinapatawad at tinatanggap ay paulit-ulit din naman s’ya sa panlalalaki. Hindi nya nagagampanan ang kanyang pagiging ina sa inyong anak dahil iba ang kanyang inaatupag. Kung ganito rin ang magiging sitwasyon ninyo sakaling makipagbalikan ka, para kang kumuha ng batong ipinukpok sa ulo mo. Bigyan mo siya ng leksiyon. Kung hindi siya titino, pabayaan mo na siya. Ituon mo na lang ang iyong panahon sa iyong anak. Kung kaya mo naman siyang palakihin mag-isa, kalimutan mo na ang iyong asawa
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest