^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (40)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“PATAY na si Susana Tamporanas, ladies and gentlemen, atake sa puso. Ang tinaguriang mastermind ng pandarambong sa pamahalaan ay umalis na sa mundo…” seryosong pagbabalita ng senior official.

 Kakaunti na lamang na politicians—‘yung mga hindi corrupt-- ang nalabi sa social hall. Ang karamihan—na pawang tiwali-- ay nagsipagtakbuhan na matapos takutin ng multo ni Arlene.

Kaydaming tanong ng mga hindi corrupt. “Mr. Chairman, minulto po ba si Tamporanas kaya na-heart attack?”

“Hindi nabanggit sa balita, Madam Congresswoman.”

“Paano na ang inaasahang pagtatapat niya ng lahat-lahat, Mr. Chairman, ganitong naunahan siya ng kamatayan?”

“May unconfirmed report na si Tamporanas ay nag-iwan daw ng mahabang sulat, na nagbubunyag sa pangalan ng matataas na taong kasama niya sa pandarambong sa bayan.”

“Nasabi po ba kung sinu-sino ang matataas na taong ito, Mr. Chair?”

“Hindi nabanggit sa balita. Abangan na lang natin.”

NOON lang nalaman ni Arlene na patay na si Susana Tamporanas. Naabutan pa ng multo ang bangkay nito sa morge, inaayos na ng kinauukulan ang prose­so ng paglalabas.

Nakatunghay sa bangkay si Arlene. May panghihinayang ang multo. “Naisahan mo ako, Tamporanas. Umalis kang hindi ko pa napipiga ang katotohanan. Nag-iwan ka nga ba ng sulat na nagbubunyag ng mga kakutsaba mong malalaking politicians and government officials?

“ Kung meron ka ngang sulat, makakarating ba ito sa hukuman? Hindi kaya mahokus-pokus ng mga kalaban?”

Walang kakayahan si Arlene na tunghayan ang umano’y sulat ni Tamporanas. Bilang multo ay mayroon siyang limitasyon.

MAY mga bagong dating na ikinabigla ni Arlene. Siya ang pakay ng mga ito. “Oras na para ka tumigil sa paniningil, Arlene…”

“Kailangan ka nang sumama sa amin.”

Dalawang puting anghel ang sumusundo sa multo ni Arlene. “H-hindi pa tapos ang misyon ko…” pagtutol ni Arlene. “Tapos na ang ika-apatnapung araw mo, Arlene.” “Pero kaydami pang corrupt…” muling tutol niya. (TATAPUSIN)

 

 

 

 

 

      

 

vuukle comment

ABANGAN

ARLENE

MADAM CONGRESSWOMAN

MR. CHAIR

MR. CHAIRMAN

SUSANA TAMPORANAS

TAMPORANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with