‘Patay kayo, mga corrupt’ (35)
KINUKUWESTIYON ng corrupt mayor sa sarili ang multong nanliligalig sa mga tiwaling politicians.
“Kinatawan ka ba ng Langit, ha, pakialamerang multo? I don’t think so! Ang Diyos ay hindi pumapatay ng tao! Siya ay nagpapatawad!
“Sa Diyos lamang ako hihingi ng tawad, multo, kapag oras ko na!â€
Nasa unahan ng kotseng bullet-proof ang driver-bodyguard ng mayor, tahimik na nagda-drive; mabait ito, buo ang tiwalang malinis ang amo.
“Reyes, wala pala akong kalaban-laban kapag nagpakitang muli ang multo. Ibang takot ang dulot niya sa’kin, para akong aataÂkihin sa puso.â€
“Mayor, ang dapat pong dalawin araw-araw ng multo—si Susana Tamporanas, ‘yung hinihinalang utak ng pork scam.â€
“Iyan pa nga, bakit hanggang ngayon e buhay pa si Susana Tamporanas, gayung siya ang most guilty? Para namang may favoritism ang multo, di ba, Reyes?â€
Napakamot ng ulo ang tauhan. “Para nga hong gano’n, mayor.â€
“Susumbatan ko talaga ang multong ‘yon kapag nagpakita!â€
Nagpakita nga sa corrupt si Arlene.
“Aaahh!†sigaw ng mayor, nauntog sa salamin ng kotse.
“Mayor, bakit po?
“K-katabi k-ko siya…â€
“A-ang multo ho?†paniniguro ng driver-bodyguard.
“O-Oo, Reyes…a-ano’ng gagawin ko?â€
Ihinintong bigla ni Reyes ang kotse. SCREEECHH.
Bumunot agad ng baril, nagsiyasat sa backseat. “Wala naman pong multo, mayor… Nag-iisa po kayo…â€
“N-narito siya, galit na galit na tinititigan ako…Oh my God, Reyes, do something…â€
“Nasa isip n’yo lang ang takot, mayor, ser…Wala po talagang multo.â€
“Ang corrupt na gaya mo lamang ang nakakakita sa akin, mayor. Mabait ang tauhan mo.â€
“N-narinig mo ang sabi ng multo, ha, Reyes?â€
“Hindi po. Wala po akong narinig, ser.â€
“Bakit ako, multo? Bakit hindi si Susana Tamporanas?â€
“Si Tamporanas ay magko-confess na, ikaw ay hindi!†(ABANGAN)
- Latest