‘Patay kayo, mga corrupt’ (34)
KULAY vinegar ang mukha ng mayor na corrupt, patakbong lumabas ng internet shop. Sinalubong agad ng bodyguard. “Bakit po, Meyor?â€
“Sa maniwala ka’t sa hinde, merong multo sa loob, pinanlisikan ako!â€
“Ho? Babaing multo ho ba?â€
Tumango ang corrupt, pasimpleng lumayo sa internet shop, palapit na sa kotseng bullet-proof. “Magandang multo, Reyes, batambata pa…gaya rin ng nagpakita sa mga nagpatiwakal na politicians…â€
“E…bakit naman pati sa inyo e nagpakita, mayor? Di ba ho sa mga corrupt lang nagmumulto ‘yon? Di ba ho hindi naman kayo corrupt?â€
Galing sa ilong ang sagot ng punong-bayan. “T-talagang hindi! My record of service to the people will show that I am not corrupt, Reyes!â€
Pinayapa ng bodyguard ang amo. “False alarm ho siguro, nagkamali lang ng pakita ang multo. Huwag n’yo na lang intindihin.â€
Ang mayor ay tipong ‘mamatay na ang umamin’. Ayaw mapulaan. Anyway daw, wala pang nag-aakusa sa kanya ng plunder; malinis niyang naitatago ang pagiging corrupt.
“Doon tayo sa Maynila tutuloy, Reyes. Bahala sa buhay niya ang multo.†Nagpapakahinahon ang tiwaling mayor.
SA internet shop, patuloy na nakakapag-usap sa computer sina Mark at Arlene.
“Nakita ka n’ung nakabarong Tagalog, di ba, Arlene?â€
“Oo, pinandilatan ko pa nga, e. Corrupt mayor ‘yon na magaling magtago ng mga ninakaw.â€
“Palagay mo, aamin na…?â€
“Walang plano. Akala’y tatantanan ko siya.â€
“Ano’ng gagawin mo, Arlene?â€
“Ang dapat gawin sa corrupt. Saka na tayo muling mag-internet, Mark. Got to go.â€
Kusang namatay ang computer number 35. Naunawaan ni Mark na nakaalis na ang nobyang nagmumulto.
“God bless you, Arlene,†naibulong ng binata.
SA bullet-proof car, ang mayor ay nakikiramdam habang naglalakbay pa-Maynila. “Napaka-KJ ng multong ‘yon! Buwiset!†(ABANGAN)
- Latest