^

Para Malibang

Pinaghihinalaang may kalaguyo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Romey, 41, may asawa. Seven years na kaming kasal ng aking misis at 3 ang aming anak. Isa akong negosyante at palaging abala. Aminado naman ako na pagdating sa aking pamilya ay kapos ang aking oras para sa kanila. Most of the time ay nasa abroad ako o di kaya’y nasa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas. Ang problema ko, may nababalitan akong hindi maganda sa aking asawa. May other man daw siya. Hindi ko pa ito nakukumpirma pero nagsisimula kong sisihin ang aking sarili. Dahil marahil sa a­king pagkukulang kaya siya umibig sa iba. Paano ko matatanong ang aking misis sa problemang ito nang hindi ako magagalit. Kaso nai-imagine ko pa lang ay parang nagngingitngit na ako. Kahit ba kulang ako sa panahon sa kanya ay di naman ‘yun dahilan para humanap siya ng ibang lalaki? Para naman sa kapakanan ng pamilya ang prayoridad ko. Tulungan mo ako.

Dear Romey,

Hinahon ang kailangan mo. Problema iyan na dapat pag-usapan at resolbahin. Ibalanse mo ang iyong buhay. Mas importante sa pagsasama ang atensiyon at pagmamahal. Secondary na lang ang kaginhawahan sa buhay. Tutal marami ka na sigurong naiimpok kaya ang pamilya mo naman ang iyong asikasuhin bago pa tuluyang masira ang inyong pagsasama.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKING

AKO

AMINADO

DAHIL

DEAR ROMEY

DEAR VANEZZA

HINAHON

IBALANSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with