‘Patay kayo, mga corrupt’ (15)
“NARINIG ninyo, mga panyero? Mamatay na ang umamin!†ulit na sabi ng pulitiko. Sila ng mga panyero ay nasa Kapihan Ng Mga Guwapo.
“May balibalita na merong multong nakikialam…†sabi ng dating lawmaker na akusado ng pandarambong.
Natahimik ang ibang pulitiko. Nabalitaan na rin nila ito.
“Bago daw umamin at nagpakamatay si Ex-Cong, minulto daw sa banyo. ‘Tapos, umakyat na si Ex-Cong sa bubong, doon umamin sa taga-village na siya ay corrupt!â€
“S-Sino naman kayang pakialamerong m-multo ‘yon…?â€
SI ARLENE ay dumalaw sa bahay ng mga magulang. Pero hindi siya nagpaparamdam, lalong hindi nagpapakita. Nais lang niyang makapiling ang kapamilya sa tahimik na paraan.
Siya ay multo na labis pa ring concern sa takbo ng ‘Pinas. Kung puwede ay nais niyang yakapin ang nanay niya, ang tatay at mga kapatid.
“Mahal ko kayo…kaya pilit kong binabawasan ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno…â€
Hindi naririnig ng sinumang mortal ang sinasabi ng multo ni Arlene.
“Kaydami-dami nila, kasapakat ang mga pekeng NGO…wala po silang kunsensiya, Inay, Itay… ang turing sa pera ng bayan ay kanila…â€
SA LAPTOP ni Mark ay nakapag-message si Arlene. “Ayon sa aking napag-alaman, ang head ng pekeng NGO ay lumapit sa isang lawmaker—sinusuklian nito ng 50 million ang 100-million pork ng lawmaker…kapalit ng endorsement ng lawmaker…kung puwede nga lang bang personal ko itong sabihin sa media, Mark…â€
Kilabot na kilabot si Mark, alam na ang yumaong nobya ang nakikipag-communicate sa kanya.
Awang-awa ang binata sa nagdurusang ispiritu ni Arlene.
“Let go, babe. Bayaan mo nang ang mga tao ang lumutas sa corruption. Rest in peace, please…†Nakikiusap si Mark.
Mahimalang kusang nabura ang mensahe sa laptop. Anumang pag-retrieve ang gawin ni Mark ay hindi nagtagumpay. Tuluyan nang naglaho ang message ng nobya.
MULA SA Kapihan Ng Mga Guwapo, ang pulitikong hindi guwapo ay handang itago ang baho. “May pangontra ako sa multo.†ITUTULOY
- Latest